Friday 14 August 2015

MGB, IPAPATAWAG NI SENADOR ESCUDERO SA SENADO SA SUSUNOD NA LINGGO RE; PAGBIBIGAY NG MINING PERMITS SA CAMARINES NORTE

Nakatakdang ipatawag ni Senador Chiz Escudero ang tanggapan ng Mines and Geosciences Bureau sa Senado sa susunod na linggo kaugnay sa pagbibigay ng permits sa Mt. Labo Exploration and Development Corporation na ngayon ay nagsasagawa ng exploration sa Barangay Napaod, Labo, Camarines Norte.

Ang pahayag ni Sen. Escudero ay ginawa sa harap ng mga media sa Camarines Norte kaninang umaga matapos na ang isa sa mga ito ay magtanong hinggil sa balak na pagmimina ng Mt. Labo sa nasabing lugar.

Ayon kay Escudero, ipapatawag n'ya ang MGB dahil simula umano ng umupo si Pangulong Benigno Aquino hindi ito nagbibigay ng Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) sa mga mining company na gustong magmina saan man panig ng bansa.

Nabatid kasi na ang lugar na gustong minahin ng Mt. Labo ay malapit sa protected areas na pinagkukunan ng tubig inumin ng mga taga Camnorteno na kilala sa tawag na "Boro-Boro Spring".

Dagdag pa ni Escudero, kapag napatunayan n'ya na ang nasabing kumpanya ay makakaapekto ang gagawing pagmimina sa pinagkukunan ng tubig inumin ay maging s'ya ay mariing tututol dito bilang Chairman, Committee on Environment and Natural Resources sa Senado.

Hinamon rin ni Escudero ang mga opisyal sa Camarines Norte na pigilan at wag payagang makapag mina ang nasabing kumpanya kung ito ay makakaapekto.

Kanya umanong aalamin kung sinong opisyal ang nasa likod nito at hindi s'ya umano natatakot maging sino pa ito, ang sa kanya umano kung makakaapekto sa tao ang pagmimina sa nasabing lugar ay dapat ipatigil at wag bigayan ng permit o Environmental Compliance Certificate.

Kailangan umanong dumaan muna sa isang public consultation at sa Sangguniang Panlalawigan bago makapag sagawa ng isang pagmimina.

Kung maalala, una nang tumutol ang Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte sa nasabing kumpanya matapos hindi ito makapa sumite ng mga kinakailangag dokumento sa pagmimina at seguridad ng taong bayan lalo na sa aspeto ng kalusugan.

Tutol din ang tanggapan ng Camarines Norte Water District sa isasagawang pagmimina ng Mt. Labo dahil sa posibilidad na maging kontaminado ang pinagkukunang tubig inumin pagdating ng panahon.

At sa kabiguan umano ng nasabing mining company na maka pagsumite rin ng mga kinakailangang dokumento na hinihingi ng CNWD na titiyak na hindi makakaapekto sa mga pinagkukunan ng tubig inumin.

Sa ngayon, hinihintay parin ang magiging aksyon dito ng Sangguniang Panlalawigan at munisipalidad na nakakasakop dito.

No comments:

Post a Comment