Nagpaplanong magpatayo ang lokal
na pamahalaang bayan ng Labo, Camarines Norte ng isang gusali na tatawaging
Home For The Street Children.
Sa panayam ng Balitang Probinsya
kay Mayor Joseph V. Ascutia, sinabi nito na nagkaroon na sila ng pag-uusap ng
mga miyembro ng Municipal Development Action Committee (MDAC) nitong nakaraang
linggo hinggil sa bagay na ito.
Ayon Mayor Ascutia, kanyang
lalaanan ng pondo ang pagpapagawa nito sa susunod na taon.
Kapag natuloy ang pagpapatayo, ito
ang kauna-unahang Home for the Street Children sa buong Bicol Region na
magsisilbing tuluyan ng mga batang palaboy sa lugar at maging sa karatig lugar
nito na pangangasiwaan ito ng tanggapan ng Municipal and Social Welfare
Development Office.
Hangad kasi ng Mayor Ascutia na
maging organisado ang bayan ng Labo pagdating ng panahon para maiwasan ang mga
insedente na minsa’y sangkot ang mga kabataan.
No comments:
Post a Comment