Tuesday 11 August 2015

PRISO NA NAKATAKAS SA BAYAN NG DAET, BALIK MULI SA KULUNGAN

Balik muli sa rehas na bakal ang isang 34 anyos na bilanggo matapos itong makapuga kahapon umaga sa detention facility ng Daet PNP sa pamamagitan ng paglaghari sa bakal na rehas.


Kinilala ang suspek na si Antonio Hegina aka "Anthony Espinar" may live-in partner, residente ng Brgy. Malasugui, Labo, Camarines Norte.


Naaresto si Hegina bandang alas 10:30 ngayong umaga ng pinagsanib pwersa ng Labo PNP, Daet PNP, PIB at RID sa barangay Bakiad, Labo, Camarines Norte.


Ang suspek ay nahaharap sa kasong carnapping na mahigit palang sa isang linggong nakakulong sa nasabing facility ng Daet PNP ng ito'y makatakas kahapon na ngayon ay muling nagbabalik rehas na sa Daet PNP.

No comments:

Post a Comment