Bagsak sa kulungan ng Paracale PNP ang isang 34 anyos na padre de pamilya na kinilalang si Senandro Cortiz y Manjares, residente ng P-1 Brgy. Gumaus, Camarines Norte dahil sa matapos itong arestuhin ng mga operatiba ng Paracale PNP dahil sa kasong Statutory Rape in relation to 7610.
Naaresto ang suspek bandang alas 7:45 kagabi ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte para sa nasabing kaso na walang inirekomendang piyansa para sa kalayaan nito.
Sa ngayon, patuloy na humihimas ng bakal na rehas ang suspek sa detention facility ng nasabing istasyon.
No comments:
Post a Comment