Tuesday 18 August 2015

KASONG CARNAPPING PORMAL NG ISINAMPA KAY TAVERA SA PROVINCIAL PROSECUTION OFFICCE

Pormal ng sinampahan kahapon ng kasong paglabag sa Republic Act 6539 (Anti-Carnapping Act of 1972 ) sa Provincial Prosecutors Office sa bayan ng Daet, Camarines Norte ang suspek na nagnakaw ng motor na kinilalang si Alex Tavera y Tapia kamakalawa ng madaling araw sa barangay Talobatib, Labo, Camarines Norte.

Hawak ngayon ni 2nd Assistant Provincial Prosecutor Athena S.R. Oco-Boado ang kaso ng suspek na ngayon ay nananatiling nasa detention facility ng Labo PNP.

Inasistihan naman ni Atty. Lourdes Clarissa Donnatilla K. Cu ng Public Attorney's Office (PAO) ang akusado na humiling ng direct filing ng kaso sa korte.

Piyansang halagang 180,000 pesos ang inirekomenda ng korte sa suspek para sa pansamantalang kalayaan nito.



No comments:

Post a Comment