Monday 17 August 2015

MOTOR NA NAKARNAP SA BAYAN NG LABO, CAMARINES NORTE, NABAWI MISMO NG MAY-ARI SA SUSPEK

Mahaharap sa kasong carnapping ang isang 30 anyos na padre de pamilya na taga Brgy. Calero, Jose Panganiban, Camarines Norte matapos umano nitong nakawin ang isang Honda TMX 155 motorcycle na may plate no. 575 EZ na pagmamay-ari ni Mario De Mesa y Francisco ng P-6 Barangay Daguit, Camarines Norte.

Kinilala ng mga operatiba ng Labo PNP ang suspek na si Alex Tavera y Tapia na ngayon ay nakakuong na sa detention facility at inihahanda na ang nasabing kaso sa pamamagitan ng inquest proceedings.

Una rito, mismong ang may aari ng motor na si De Mesa ang nagdala sa suspek sa presinto ng Labo PNP matapos ang pagkakarekober nito sa kanyang motor bandang alas 8:15 ng umaga kahapon.

Naganap ang pagnanakaw ng suspek sa nasabing motor bandang alas 4:00 ng madaling araw kahapon sa P-3 Brgy. Talobatib, Labo, Camarines Norte na maswerte namang nabawi ng may-ari 4 oras matapos ang pangyayari.



No comments:

Post a Comment