Nagrereklamo na ang mga konsumedores ng Paracale Water District (PWD) sa barangay Batobalani, Paracale, Camarines Norte dahil umano sa maduming supply nito mula mismo sa Batobalani Watershed na matatagpuan sa Sitio Igang ng nasabing barangay.
Sa panayam ng Balitang Probinysa kay Barangay Captain Nelson N. Dasco ng barangay Batobalani, Camarines Norte, kinumperma nito ang maduming tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Nito nga lamang umanong nakalipas na buwan ay kulay itim at animo'y putik ang lumabas sa kanilang mga gripo na tumagal ng halos ilang minuto bago ito nawala.
Sinabi rin nito na ilan sa kanyang mga kabarangay ay nagkakasakit na dahil sa madumning tubig at isa nga umano dito sa mga naging biktima ay ang kanya mismong pinsan kung saan nagkasakit ito ng typhoid o tipus.
Ganito rin ang pinangangambahan ng mga konsumedores na baka pagdating ng panahon ay marami na ang magkasakit sa kanilang lugar.
Dagdag pa ni Kapitan Dasco, matagal na nila itong inirereklamo sa tanggapan ng Paracale Water District sa pamumuno ni General Manager Lot M. Villanueva subalit hindi parin ito natutuldukan.
Ilang resolusyon narin umano ang kanilang ipinasa sa Sangguniang Bayan ng Paracale, Camarines Norte subalit hanggang sa ngayon ay hinihintay parin daw nila ang magiging tugon dito ng mga opisyal ng LGU Paracale.
Matagal na rin umanong nakarating sa tanggapan ni Mayor Romeo Moreno ang nasabing problema subalit hinihintay parin daw nila umano ang magiging
aksyon dito ng opisyal.
aksyon dito ng opisyal.
Nabatid na isang sapa ang pinagkukunan ng tubig na ginawan lamang ng Dam na open na open umano ito sa mga laglag ng dahon ng mga kahoy at iba pang dumi mula sa kabundukan dahilan para maging madumi ito.
Napag-alaman din na lumalambot ang lupa sa nabangit na lugar na anila'y parang "clay" lalo na sa panahon ng tag-ulan na nagreresulta naman ng paglabo ng tubig nito.
Maliban pa dito, may ilang tao rin daw na nagmimina malapit sa nasabing lugar.
Sa huli, umaasa ang mga konsumedores na mabibigyan ito ng agarang aksyon ng mga kinauukulan at wag na umanong hintayin pa na marami ang magkasakit bago gagawa ng aksyon.
No comments:
Post a Comment