Tuesday 18 August 2015

BUS vs MOTORSIKLO, DIRVER MALUBHA SA BAYAN NG BASUD, CAMARINES NORTE

Nasa malubhang kondisyon ngayon ang isang 20 anyos na binata matapos magsalpukan ang minamaneho nitong motorsiklo at isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway, Sitio Makabohos, Tuaca, Basud, Camarines Norte pasado alas 2:50 kahapon.

Kinilala ang biktima na si Lemuel Perrera y Illagan, residente ng Brgy. Alanao, Lupi, Camarines Sur na mabilis na isinugod sa Sipocot Distirct Hospital, Sipocot, Camarines Sur subalit inilipat din ito sa Bicol Medical Center dahil sa malubhang pinsala nito.

Kinilala naman ang driver ng Elavil Bus na may plate no. EVU 690 na sangkot sa aksidente na si Edgardo Reyes Naldazo, 40 anyos, may-asawa, residente ng Purobatia, Libmanan, Camarines Sur na ngayon ay nasakustodiya ng Basud PNP ganun din ang mga sasakyang sangkot sa aksidente para sa kaukulang disposisyon.

Sa imbistigasyon ng mga awtoridad, parehong binabagtas ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng Maharlika Highway at pagsapit sa nasabing lugar ay saka nangyari ang aksidente.


No comments:

Post a Comment