Kasong paglabag sa RA 9165
(Illegal Drugs) at RA 10591ang kakaharapin ngayon ng isang 35 anyos na lalaki
na kinilalang si Joven Adano y Casiao ng P-2 Brgy. Dalnac, Paracale, Camarines
Norte kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang ibat ibang uri ng mga drug
paraphernalia sa isinagawang search warrant kamakalawa ng mga awtoridad sa
pamamagitan na rin ni Hon. Judge Arniel
Dating ng Br. 41 kaugnay sa nasabing kaso.
Sa ngayon ayon sa mga awtoridad
nananatiling humihimas ng bakal na rehas sa detention facility ng Paracale PNP para
harapin ang nasabing kaso.
Bago ang pagkakaaresto sa suspek,
isang team ang binuo ng mga awtoridad sa pangunguna ng Paracale PNP na nag
resulta sa pagkakadakip ng nasabing suspek.
No comments:
Post a Comment