Tuesday 25 August 2015

28 ANYOS NA LALAKI, ARESTADO DAHIL SA KASONG PAGNANAKAW SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE

Nahaharap ngayon sa kasong Theft o pagnanakaw ang isang 28 anyos na lalaki na kinilalang si Ace Bernal Barcelona y Del Mundo alyas “Bulilit” residente ng P-2 Brgy. Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte.


Ang nasabing akusado ay inaresto ng mga operatiba ng batas mula sa Jose Panganiban PNP kamakalawa ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Winston S. Racoma ng RTC Br. 39, Daet, Camarines Norte noong Mayo 21, 2015 kaugnay sa nasabing kaso na may 22,000.00 pesos bail recommended para sa pansamantalang kalayaan.


Sa ngayon patuloy na humihimas ng bakal na rehas ang nasabing suspek sa detention facility ng Jose Panganiban PNP para sa kaukulang disposisyon.


No comments:

Post a Comment