Wednesday 26 August 2015

CAMARINES NORTE PROVINCIAL JAIL, PINAGKALOOBAN NG 3 M16-5.56MM BABY ARMALITE NG PROVINCIAL GOVERNMENT OF CAMARINES NORTE

Tatlong bagong M16-5.56mm Baby Armalite, 9 na magazines at 100 mga bala nito ang ipinagkaloob ng Provincial Government of Camarines Norte sa pamumuno ni Gobernador Edgardo Tallado sa Camarines Norte Provincial Jail.

Sa ipinalabas na report ng Camarines Norte Public Information Office, umaabot sa  P427,500.00 ang halaga ng mga armas na gagamitin ng mga Jail Guards ng Provincial Custodial and Security Services Division (PCSSD).

Layunin nito matugunan kahit papaano ang kakulangan sa armas ng Camarines Norte Provincial Jail.

Sinimulan narin nitong nakalipas na buwan ng Hulyo ang rahabilitasyon ng 3rd floor Multi-Purpose Hall kung saan umaabot sa P1.2 milyon na mula sa savings ng pamahalaang panlalawigan.

Isusunod na rin umano dito ang renobasyon ng mga opisina at receiving area sa unang palapag ng CNPJ na pinonduhan ng halagang P1.125 milyon na mula naman sa Annual Budget Appropriation ng PCSSD.

Maglalagay rin ng CCTV Cameras sa paligig ng CNPJ para umano sa ibayong seguridad sa CNPJ na may pondong umaabot sa P220,000.00.

Ang naturang mga proyekto ayon sa pamahalaang panlalawigan ay upang makapagbigay ng maayos na serbisyo at mabawasan ang mga insedente ng umano'y pagtakas ng mga inmates at pagpasok ng mga kontrabando sa CNPJ.

No comments:

Post a Comment