Monday 17 August 2015

JO1 ELNAR NG LABO DISTRICT JAIL, BINIGYAN NG CERTIFICATE OF COMMENDATION NG LGU LABO, MATAPOS GAWARAN BILANG REGIONAL FEMALE JNCO OF THE YEAR NG BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

Matapos gawaran ng award bilang Regional Female JNCO of the Year si JO1 Karen Kaye A. Elnar ng Labo District Jail sa katatapos na 24 taong anebersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology na ginanap sa Legaspi City, BJMP Regional Headquarters noong biyernes (August 14, 2015).

Tinanggap naman n'ya ngayong araw ang Certificate of Commendation mula sa pamahalaang lokal ng bayan ng Labo, Camarines Norte sa pamumuno ni Mayor Joseph V. Ascutia katuwang si Vice Mayor Severino H. Francisco Jr.

Kanina sa Flag Raising Ceremony, personal na inabot nina Mayor Ascutia at Vice Mayor Francisco ang nasabing Commendation kay JO1 Elnar bilang pagkilala sa kanyang nakamit at husay sa trabaho kahit na Officer 1 palamang ito.

Si Elnar ay 4 na taon na sa serbisyo sa BJMP kung saan naatasan s'ya  bilang Community Relations Services at dati ring Program Development Division JNCO.

Sa ngayon s'ya rin ang achorwoman ng Radyo sa Piitan sa DWLB FM 89.7Mhz, isang community radio station sa bayan ng Labo, Camarines Norte tuwing linggo alas 7:00am-8:00am na tumatalakay sa mga programa at development ng BJMP ganun din ang pagbibigay daan sa talambuhay ng mga inmates na kanilang binabantayan.

Maliban pa dito, miyembro rin s'ya ng Custodial at Escort Services din LDJ.

Sa huli sa panayam ng Balitang Probinsya sinabi nito na "sobrang saya po... nakakatuwa dahil narerecognize rn ng lgu ang mga ginagawang pagsisikap ng bureau partikular na ng labo district jail ang aming pagsisikap na repormahin ang mga residente n nasa ilalim ng aming pangangalaga... at napakahalaga ng suporta ng lgu maging ng komunidad para maibigay natin ang hinahangad nating pagbabago kasama n ang tagumpay na ito. maraming salamat po uli. sulong labo!".





No comments:

Post a Comment