Nananatiling independent at wala pang sinasamahang partido sa pulitika sa darating na eleksyon si Gobernador Edgardo A. Tallado.
Ito mismong sinabi ni Gob. Tallado sa panayam ng Balitang Probinysa sa pagbisita ni Senador Chiz Escudero ngayon araw sa Camarines Norte.
Ayon kay Tallado, nananatiling independent s'ya ngayon maging ang mga kasamahan nito na dati ay nasa Liberal Party.
Sa ngayon daw ay hindi pa nila ito pinag-uusapan ng kanyang mga kasamahan na posible raw makapag desisyon sa kanyang grupo kung mananatiling independent o hindi sa darating na buwan ng Sityembre o bago ang filing ng COC sa darating na Oktubre ngayong taon.
Ani ni Tallado, ang sa kanila umanong grupo ay pagtatrabaho muna at hindi ang usaping pulitika at partido.
Kung maalala, natanggal si Tallado sa Liberal Party tumatayong pangulo sa Camarines Norte dahil sa isyu ng immoralidad matapos masangkot ito sa isang umanong scandal.
Una na ring tiniyak ni Tallado na hindi maaapektuhan ang mga programa at proyekto sa Camarines Norte kahit wala na s'ya sa partido.
Sa kabilang dako, nagpahayag naman ito ng suporta sa pinakabatang Senador na si Chiz Escudero na ayon sa kanyan anuman ang labanan ng Senador sa darating na eleksyon ay susuportahan n'ya ito.
No comments:
Post a Comment