Apat na katao ngayon ang sabay na humihimas ng bakal na rehas sa detention facility ng Labo PNP matapos arestuhin ng mga awtoridad dahil umano sa pagpupuslit ng mga coco lumber ng walang kaukulang dokumento.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Alex Bardon y Capoy, 57, may-asawa, Elmer Hernadez y Magsangkay, 28, may live in partner, Erino Lecabio y Bonita, 61, may-asawa, Albert Fraga y Villanueva, 19, binata kapwa mga residente ng Labo, Camarines Norte.
Ayon sa Labo PNP, ang mga suspek ay naaktuhang nagpupuslit ng mga coco lumber sa lugar na tinatayang nasa 1,000 board feet.
Sa ngayon ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 ( Illegal Logging) habang ang mga nasabat na coco lumber ay hawak na rin ng mga awtoridad para sa kaukulang disposisyon.
No comments:
Post a Comment