Maliban sa kasong Acts of
Lasciviousness mahaharap din sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002) section 11, article 11 ang isang lalaki na
kinilalang si Rolando Andaya y Espina matapos itong makuhaan ng isang piraso ng
heat sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu,
P150.00 pesos cash, dalawang lighter.
Una rito, dinakip ng mga
barangay tanod’s ng nasabing barangay ang suspek dahil sa reklamo ng isang
menor de edad sa di umano’y ginawang pambabastos nito subalit ng kapkapan ito
ng mga awtoridad pagdating sa presinto ay nakuha dito ang isang sachet na
pinaniniwalaang shabu.
Sa ngayon ang suspek ay
nakapiit na sa detention facility ng Jose Panganiban PNP para sa kaukulang
disposisyon.
No comments:
Post a Comment