Arestado ang isang 39 anyos na padre de pamilya na kinilalang si Rommel Abril y Sureta dahil sa kasong pagnanakaw noong nakaraang taon sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte.
Ayon sa mga awtoridad, si Abril ay may warrant of arrest mula sa MTCC Capalonga-Sta. Elena, Camarines Norte na inisyu ni Hon. Judge Abasola Noble, noong December 1, 2014 kaugnay sa nasabing kaso.
Halagang 10,000 pesos naman ang inirekomendang piyansa ng korte sa suspek para sa pansamantalang kalayaan nito na ngayon ay patuloy na humihimas sa detention facility ng nasabing istasyon.
Naaresto si Abril bandang alas 9:30 kagabi sa P-2 Brgy. San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte ng mga operatiba ng Sta. Elena MPS.
No comments:
Post a Comment