Wednesday 12 August 2015

CNPPO MAGKAKAROON NG HIWALAY NA IMBISTIGASYON SA NAKATAKAS NA PRISO SA BAYAN NG DAET - PSSUPT FAMA

Magsasagawa ng hiwalay na imbistigasyon ang Camarines Norte Police Provincial Office sa nangyaring pagtakas ng isang priso sa detention facility ng Daet PNP kamakalawa ng umaga na maswerteng muling nalambat ng mga awtoridad kahapong umaga sa pinagsanib pwersa ng Daet PNP at Labo PNP at iba pang operatiba ng batas sa lalawigan ng Camarines Norte na kinilalang si Antonio Hegina na may kasong carnapping.

Sa panayam ng Balitang Probinsya kay PSSupt. Harris Fama, OIC - Provincial Director ng CNPPO, sinabi nito na bumuo na sila ng isang team na magsasagawa ng hiwalay na imbistigasyon maliban sa imbistigasyon na isinasagawa ngayon ng Daet PNP sa nangyaring pagtakas ng priso na pamumunuan ni P/Supt Honesto Garon, Provincial Chief Investigator ng  CNPPO para masiguro umano na patas at walang butas na posibleng makalusot sa imbistigasyon.

Samantala, posible naman daw maharap sa kasong administratibo ang mga police personnel ng Daet PNP maging ang hepe nito kung may kapabayaang nangyari sa pagtakas ng nasabing priso.

Tiniyak din nito na idadaan nila sa due process ang kanilang isasagawang imbistigasyon para masiguro na hindi magkakamali sa pagbibigay ng disisyon.

No comments:

Post a Comment