Monday 10 August 2015

DAET PNP, PUSPUSAN ANG PAGHAHANAP SA PRISONG NAKATAKAS KANINANG UMAGA

Puspusan ngayon ang paghahanap ng mga operatiba ng Daet Municipal Police Station sa prisong nakatakas kaninang umaga matapos umanong laghariin ang dalawang rehas na bakal na pinagkukulungan nito.

Sa panayam ng Balitang Probinsya ngayong hapon kay P/Supt. Paul Abay, Acting Chief of Police ng Daet PNP, sinabi nito na planado umano ang pagtakas ng suspek na si Antonio Hegina alyas Anthony Espinar, residente ng Brgy, Malasugui, Labo, Camarines Norte.

Inutay-utay umanong laghariin ng suspek ang dawalang steel bar ng kulungan gamit ang maiksing lagharing bakal na walang polo.

Nilagyan pa umano ng suspek ng damit ang rehas na bakal para hindi umano lumikha ng ingay habang isinasagawa ang pagkatakas.


Napaglamang magdadalawang linggo ng nakakulong ang suspek na nasa selda ng babae dahil sa tangkal pambubugbog ng ibang priso dito matapos bentahan nito ang isa mga priso ng nakaw na gamit.


Sinabi ni Abay na nag-iisa lamang si Hegina sa nasabing selda kaya malayang naisagawa ang pagtakas.


Natuklasan ng Daet PNP na nakatakas na ang suspek matapos ang isanagawang head counts bandang alas 6:30 ng umano kanina ng Desk Officer na naka-duty na si PO1 Arman Abordo.

Sa huli sinabi ni Abay na may led na daw sila sa posibleng pinagtataguan ng suspek na umaasa na magpopositibo ito.


Si Hegina ay nahaharap sa kasong carnapping matapos nakawin nito ang isang tricycle na naka parking sa tapat ng Provincial Hospital na kinalaunan ay naaresto rin ng mga operatiba ng Labo PNP at iba pang alagad ng batas makaraang ang ilang linggo pagtatago na ngayon ay muling pinaghahanap.


No comments:

Post a Comment