Isang Improvised Explosive Device (IED) at iba pang pampasabog na nakalagay sa isang drum malapit sa bahay ng isang nagngangalang Unio Corporal ng P-2 Brgy. Malaya, Labo, Camarines Norte ang narekober ng mga sundalo ng 49th Infantry Battalion (Good Samaritans) habang nagsasagawa ng security patrol ang isang Squad Charlie Company na pinamumunuan ni Sgt. Anthony Cepeda y Jalaman sa lugar.
Sa ngayon nagsasagawa pa ng malalimang imbistigasyon ang mga awtoridad hinggil dito at kung sino ang may pakana nito.
Sa kasalukuyan nasa kustodiya na ng 49th IB, PA sa barangay Mahawan-hawan, Labo ang nasabing IED habang patuloy sa pangangalap ng iba pang mga impormasyon hinggil dito.
No comments:
Post a Comment