Wednesday 26 August 2015

RAHABILITASYON NG FISH SECTION NG LABO PUBLIC MARKET, PERSONAL NA BINISITA NI MAYOR ASCUTIA KAHAPON

Personal na binisita ni Mayor Joseph V. Ascutia kahapon ang ipina-rerenovate na fish section sa loob ng Labo Public Market.

Ito'y upang masiguro na maayos ang pagkakagawa nito para narin sa maayos na pagnenegosyo ng mga negosyante sa loob ng pamilihan ganun din sa mga mamimili.

Noong una kasi ay walang maayos na drainage system na nagiging dahilan ng pag-apaw ng tubig lalo na tuwing tag-ulan pero ngayon ay pinalagyan na ito ni Mayor Ascutia para hindi narin magputik sa lugar.


Sa panayam ng Balitang Probinsya kay Mayor Ascutia ngayong umaga, sinabi nito na ginagawa n'ya ang personal na pagbisita sa kanyang mga proyektong ipinapagawa upang masiguro na hindi sinaputi ang pagkakagawa nito upang mapakinabangan ng mahabang panahon.

Una nang matatandaan na unang ipinaayos ni Mayor Ascutia ang dried fish section at vegetables section kasunod ang paglalagay ng canopy sa nasabing pamilihan kung saan malayang nakakapamili ang mga mamimili kahit na umuulan dahil sa ito'y fully roof na. 





No comments:

Post a Comment