Monday 10 August 2015

21 ANYOS SINAKSAK NG 19 ANYOS, KULANGAN AT OSPITAL ANG BAGSAK

Kulungan ang bagsak ng isang 19 anyos na binata matapos nitong saksakin ang isang 21 anyos na binata din sa P-4 Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte kahapon.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si  Arman John y Raro, na ngayon ay humihimas na ng bakal na rehas sa detention facility ng Vinzons PNP habang patuloy namang nagpapagaling sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet ang biktima na kinilalang si Jay Raro y Castro, matapos magtamo ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na kapwa residente ng Barangay Calangcawan Norte, Vinzon, Camarines  Norte ang suspek at ang biktima.

Sa imbistigasyon ng mga operatiba ng Vinzons PNP, naglalakad ang biktima kasama ang kaibigan nito ng biglang lumapit ang suspek na nagkaroon ng bugtian hanggang sa mauwi sa pananaksak ng suspek.

Mabilis kumilos ang mga operatiba ng Vinzons PNP matapos matanggap ang report hinggil sa pangyayari na nagresulta sa agarang pagkakadakip sa suspek.

Sa ngayon hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung anu ang dahilan ng pananaksak ng suspek na patuloy pang iniimbistigahan.



No comments:

Post a Comment