Monday 17 August 2015

2 LALAKI POSIBLENG MAHARAP SA KASONG PAGLABAG SA FORESTRY REFORM CODE OF THE PHILIPPINES

Photo Courtesy by: Basud MPS
Posibleng maharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Reform Code of the Philippines ang dalawang lalaki matapos itong ma tyimpuhan ng mga operatiba ng Basud PNP na nagtatransport ng mga kahoy na narra na tinatayang nasa 100 board feet sakay ng isang pampasaherong gyip na may plate no. EVN 335 na naka-rehistro kay Sixto T. Oloya ng Labo, Camarines Norte.

Kinilala ng mga operatiba ng Basud PNP ang mga suspek na sina Ursolo Rada y Gobotea, 36 anyos, driver ng nasabing gyip, may-asawa at residente ng Brgy. Guinacutan, Labo at isang nagngangalang Ronald Andaya y Nida, 20 anyos, binata, residente naman ng Brgy. Sto. Domingo, Vinzons, Cams. Norte.

Base sa report ng Basud PNP, naaktuhan nila ang mga suspek na nagbibiyahe ng nasabing kahoy sa Barangay Poblacion 2, Basud, Camarines Norte bandang ala 1:25 kaninang madaling araw lulan ng nasabing saksakyan kung saan walang naipakitang kaukulang dokumento o permit ang mga ito para ibiyahe dahilan para ito ay arestuhin nila na ngayon ay nasa presinto na ng nasabing istasyon para sa kaukulang disposisyon.

No comments:

Post a Comment