Ipinag-utos ni Police Senior Superintendent Harris Fama, Officer in Charge ng Camarines Norte Police Provincial Office ang malalimang imbistigasyon sa nangyaring pagtakas ng isang priso sa detention facility na may kasong carnapping na kinilalang si Antonio Hegina aka "Anthony Espinar" kaninang umaga.
Pinapatutukan ngayon ni Fama ang istilo ng pagtakas at kung may kapabayaan ang nasabing istasyon.
Pinakilos na rin nito ang mga alagad ng batas sa Camarines Norte para sa muling ikadarakip ng suspek.
Pinag-utos din nito sa lahat ng Chief of Police ng 12 bayan ng Camarines Norte na i-check ang mga detention facility ng kani-kanilang istasyon para na rin sa seguridad at upang masiguro na hindi ito matatakasan.
Kung maalala, nadiskubre ang pagtakas ni Hegina matapos na magsagawa ng head counts ang desk officer na nakaduty na si PO1 Arman Abordo kaniang alas 6:30 ng umaga.
Nabatid na nakatakas ang suspek matapos nito umano laghariin ang dawalang rehas gamit ang maiksing laghari sa bakal na hanggang ngayon ay hindi pa matukoy kung saan nanggaling ang nasabing laghari na ginamit ng suspek sa pagtakas.
No comments:
Post a Comment