Friday 14 August 2015

6 NA BAYAN NG CAMARINES NORTE, MAKAKARANAS NG MAHINA HANGGANG SA PAGKAWALA NG DALOY NG TUBIG MULA SA SERBISYO NG CNWD SIMULA NGAYONG AGOSTO HANGGANG NOBYEMBRE

Problemado ngayon ang mga miyembro konsumedores ng Camarines Norte Water District (CNWD) sa mahina hanggang sa pagkawala ng daloy ng tubig sa mga faucet nito simula pa nitong magtatapusin ng buwan ng Hulyo 2015.

Base sa kalatas na ipinalabas ng nasabing tanggapan sa pamununo ni Maria Antonia Bernardina F. Boma, GenaralManger ng CNWD, bumagsak daw kasi ang ang produksyon ng tubig sa 33% sa mga pinagkukunang bukal nitong mga nakalipas na buwan.

Partilulat na umanong mararanasan ang paghina hanggang sa pagkawala ng daloy tubig sa panahon ng peak hours o sabay-sabay na pagkonsumo.


Dahil dito, anim na bayan sa Camarines Norte ang dumaranas ngayon ng nasabing suliranin sa patubig kabilang na ang bayan ng Labo, VInzons, San Vicente, Talisay, Mercedes at ilang lugar sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Nagsisilbing karagdagang supply daw ngayon para maibsan ang matinding kakulangan ng supply ng tubig sa lalawigan ay ang Dagotdotan Filtration Facility sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.

Ayon kay Boma, ilan daw sa mga ipinatutupad ng CNWD para sa proyektong pagpapabuti ng sistemang patubig ay ang Dagotdotan Filtration Facility Phase II na inaasahang matatapos sa buwan ng Oktubre na magsusuplay umano ng karagdagang 5,000 metro kubiko ng tubig bawat araw. Ganun din daw ang pagpapalit at pagkukumpuni ng mga luma at tumatagas na tubo sa mga nasasakupang munisipalidad.

Pero reaksyon ng mga nangungunsume ng mga konsumedores sa serbisyo ng CNWD, hanggang kailan matatapos ang isinasagawang pagkukumpuni at pagpapalit ng mga lumang tubo na matagal at taon nang idinidepensa ng nasabing tanggapan tuwing may problema sa patubig. 


No comments:

Post a Comment