Umaabot sa 50 libong piraso ng Tilapia Fingerlings ang ipinamahagi ng Office of the Municipal Agriculturist, Labo, Camarines Norte sa 6 na barangay na may mga palaisdaan na kinabibilangan ng mga barangay ng San Antonio, Bagong Silang II, Mabilo II, Guisican, Canapawan , Malibago ng naturang bayan.
Sa panayam ng Balitang Probinsya kay Rowena Ramos, Fishery Coordinator ng OMAG Labo ngayong hapon, sinabi nito na bahagi ito ng programa ng kanilang tanggapan sa magsasaka particular na sa mga may-ari ng fish pond.
Ito umano ay nakapaloob sa kanilang Dispersal Program sa Fishery Sector kung saan libre itong ipinamamahagi sa lahat ng mga may-ari fish pond sa lugar.
Sa ilalim ng nasabing programa, kailangang magbigay ng similya ng Tilapia ang mga may-ari ng Fishpond kapag ito'y nangingitlog na para muling maipamahagi sa iba pang gustong mag-alaga ng isda.
Aminado naman si Ramos na hindi nila lahat natutugunan o nasusuplayan ang mga magsasakang may mga palaisdaan dahil narin sa mahinang supply nito mula sa kanilang pinagkukunan sa Camarines Sur.
Pero nangako naman nito na patuloy silang nagsusumikap para matugunan ito at sa ngayon umano ay pwede naman mag request ang mga may-ari ng palaisdaan sa kanilang tanggapan para mabigyan ng similya kapag available na ito.
No comments:
Post a Comment