Patuloy parin daw ang isasagawang imbistigasyon ng Daet PNP sa nakatakas na priso kahapon kahit na ito ay nahuli na kaninang umaga ng pinagsanib pwersa ng mga awtoridad sa Camarines Norte.
Kinilala ang nakapugang priso na si Antonio Hegina aka "Antonio Espinar" na naaresto bandang alas 10:30 ng umaga kanina sa barangay Bakiad, Labo, Camarines Norte na may kinakaharap na kasong carnapping matapos nakawin nito ang isang tricycle na nakaparking malapit sa Camarines Norte Provincial Hospital nitong mga nakalipas na semana.
Sa panayam ng Balitang Probinysa ngayong hapon kay P/Supt. Paul Abay, Acting Chief of Police ng Daet PNP, kinumperma nito na nakapiit muli ang suspek sa kanilang detention facility kasama ng nasa anim na iba pang priso.
Ganun pa man, patuloy parin daw ang isasagawang imbistigasyon hinggil dito ng kanilang tanggapan maging ang mismong personnel nila na naka duty sa oras na yun ay papaimbistigahan.
Sinabi rin ni Abay na base umano sa kanilang isinagawang imbistigsyon, nabatid na galing umano sa isang dalaw ang ginamit na laghari sa bakal na ginamit ng suspek kahapon para makatakas.
Samantala, posibleng maharap pa raw sa panibagong kaso ang suspek maliban sa carnapping bunsod ng pagtakas nito.
Napawi naman daw ang kanilang problema matapos mahuli ang suspek dahil kung hindi nila umano ito nahuli muli, aminado si Abay na magiging dagok nila ito at batikos ang aabutin ng kanilang himpilan.
No comments:
Post a Comment