Monday 17 August 2015

SJO4 LAGATUZ, NAGPASALAMAT SA MGA BENEFACTOR NG LABO DISTRICT JAIL

Nagpaabot ng pasasalamat si SJO4 Arnel Lagatuz, Officer in Charge ng Labo District Jail sa lahat ng mga benefactor ng LDJ kanina sa isinagawang Flag Raising Ceremony ng LGU Labo.

Kabilang sa mga pinasasalamatan ni SJO4 Lagatuz ay ang lokal na pamahalaang bayan ng Labo, Camarines Norte sa pamumuno ni Mayor Joseph V. Ascutia at Vice Mayor Severino H. Francisco Jr dahil sa tulong at suporta umano nito sa kanilang unit para sa mga residente o inmates ng nasabing piitan.

Ganun din ang tanggapan ng Municipal Health Office sa pamamagitan ni Dr. Nelson Guerra, Municipal Health Officer sa suportang medical sa mga inmates na nagkakasakit.

Ayon kay Lagatuz, dahil sa tulong ng MHO ay bihira na ang nagkakasakit na inmates sa kanilang piitan.

Maliban  dito, pinasasalamatan din nito ang tanggapan ng Public Employment Service Office o PESO sa pamumuno naman ni PESO Manager Florida  Quilas sa programang pangkabuhayan na ipinagkakaloob ng nasabing tanggapan katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga inmates maging sa mga pamilya nito.

Bukod pa dito, nagpaabot din ito sa lahat ng individual, NGO's at iba pang sector ng pamayanan sa tulong na ibinibigay sa kanila.

Ayon kay Lagatuz, kung wala ang mga nasabing benefactor ay hindi rin nila makakamit ang pagiging Regional Best District Jail sa buong Bicol Region na kanilang tinanggap nitong nakalipas na biyernes (August 14, 2015) sa pangalawang pagkakataon.


Kung maalala, dalawang beses ng tinanghal bilang Regional Best District Jail na gLDJ dahil sa maayos na pamamahala ng mga opisyal nito ganun din ang mga programa at proyekto na makakatulong sa pagreporma sa mga inmates o residente sa nasabing piitan.



No comments:

Post a Comment