Monday 17 August 2015

CANORECO MAGSASAGAWA NG VIDEO TESTING SA SUSUNOD NA LINGGO RE; AGMA VIDEO CONFERENCING

Nakatakdang magsagawa ng Video Testing ang tanggapan ng Camarines Norte Electric Cooperative o CANORECO sa susunod na linggo kaugnay sa isasagawang Annual General Membership Assembly kung saan high tech na ito dahil sa video conferencing na ang gagawin sa pagpupulong ng lahat ng miyembro konsumedores sa August 29, 2015 ala 1:00 ng hapon.


Sa panayam ng Balitang Probinysa ngayong hapon kay Delia Durante, tagapagsalita ng Canoreco, kanyang sinabi na base umano sa service provider ng nasabing video conference ay magkakaroon ng pag test sa sususnod na linggo  ng mga kagamitan sa limang venue ng AGMA na kinabibilangan ng; Daet, Mercedes, Labo, Capalonga at Sta. Elena, Camarines Norte.

Sakali umano na magkaroon ng problema sa mga kagamitan o sa signal ng pagsasagawa ng high tech na sistema sa panahon ng pagtetesting idadaos nalamang nila umano ang AGMA sa main venue sa Camarines Norte Agro Sport Center sa bayan ng Daet.

Umaasa naman si Durante na hindi magkakaproblema ang mga kagamitang gagamitin ganun din ang signal para matuloy ang kauna-unahang high tech AGMA na pinunduhan ng nasabing kooperatiba ng umaabot sa mahigit Php 200,000.00 pesos.

Nitong nakalipas na semana umano ay nakapag lagay na ng poste ang mga service provider personnel na paglalagyan ng mga gadgets na gagamitin para high tech na AGMA sa limang lugar na nabanggit.

Sa huli sinabi ni Durante na hanggang sa ngayon ay pinaghahandaan pa rin ito ng kanilang tanggapan para sa ikaaayos ng nasabing aktibidad.



No comments:

Post a Comment