Wednesday 12 August 2015

PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO, IPINAG-UTOS NI GOB. TALLADO SA LAHAT NG TANGGAPAN PRIBADO MAN O GOBYERNO RE; BUWAN NG WIKA NGAYONG AGOSTO

Bilang pakikiumisa sa pagdirawang ng buwan ng Wika ngayon buwan ng Agosto 2015.

Isang Atas-Tagapagpaganap bilang 20-2015 ang inilabas ng tanggapan ng Punong Lalawigan sa pamumuno ni Gobernador Edgardo Tallado na nag-aatas sa lahat ng mga tanggapan sa gobyerno man o pribado na gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng komunikasyon, sulat, transaksyon,  korespondensya sa buong buwan ng Agosto ngayong taon.


Ito'y alinsunod na rin sa Proklamasyon bilang 1041 na ipinalabas noon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na nag-aatas sa pagdiriwang ng buwan ng Wika na gawin tuwing buwan ng Agosto bilang Wikang Pambansa kasunod nito ang paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng uri ng komunikasyon.

Ang tema ngayong buwan ay : “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran”.

No comments:

Post a Comment