Personal na inabot ni Mayor Joseph V. Ascutia ang Certificate of Commendation kay SJO4 Arnel Lagatuz, Officer in Charge ng Labo District Jail matapos muling tanghalin sa pangalawang pagkakataon bilang Regional Best District Jail sa buong Bicol Region nitong nakalipas na biyernes Agosto 14, 2015 kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika 24 taong anebersaryo na ginanap sa Legaspi City sa BJMP Regional Headquarters.
Sa pag-abot ni Mayor Ascutia ng nasabing sertipiko, pinuri nito ang LDJ dahil sa maayos na mga programa, pasilidad at pamamahala sa loob at labas ng kulungan para sa mga inmates na dati'y hindi ganun umano kaayos ang Labo District Jail noong ito'y nasa likod pa ng munisipyo ng Labo na ngayon ay nasa barangay Masalong, Labo kung saan may-maayos na itong pasilidad.
Ang pag-abot ng komendasyon ay ginawa ng alkalde kasabay ng isinagawang Flag raising ceremony ng LGU Labo, kanina.
Ang pag-abot ng komendasyon ay ginawa ng alkalde kasabay ng isinagawang Flag raising ceremony ng LGU Labo, kanina.
Kung maalala, nitong nakalipas na taong 2014 ng unang itanghal ang Labo Distirct Jail ng pagiging Regional Best District Jail dahil sa maayos na mga programa, pasilidad, maayos na pakikitungo ng mga personnel at iba pa sa mga inmates na nasa loob ng selda.
No comments:
Post a Comment