Nanawagan ng tulong si
Police Chief Inspector Victor Abarca, Officer in Charge ng Jose Panganiban PNP
sa paglutas ng kaso ni Arnel Morada na binaril nitong nakalikod na sabado ng
riding in tandem.
Sa panayam ng Balitang
Probinsya kay Abarca, sinabi nito na bagamat may hawak na silang dalawang
testigo sa pangyayari pero mahalaga pa rin an’ya ang kooperasyon ng publiko sa
pagbibigay ng hustisya kay Morada.
Nanawagan pa ito sa ibang
mga nakasaksi na lumantad sa kanilang isanasagawang imbistigasyon para sa
mabilis na ikalulutas ng kaso.
Hindi pa umano sa kanila
nakikipag-ugnayan ang pamilya ng biktima dahil patuloy patuloy parin ang mga
ito sa pagdadalamhati sa nangyari sa kanilang kaanak.
Samantala, pinawi naman
nito ang pangamba ng publiko kaugnay sa ilang serye ng shooting incident na
nagaganap sa nasabing lugar sa pagsasabing naka alerto naman daw sila yun
ngalang nagkakataon na sa kabila ng naka-alerto sila ay may nangyayari parin na
kahalintulad na sitwasyon.
Kung maalala, binaril ng
hindi pa nakilalang riding in tandem ang biktima habang itoy sakay ng isang
motorsiklo kung saan tatlong bala ng hinihinalang kalibre .45 ang tumama sa
likod na tumudas dito.
No comments:
Post a Comment