Blangko pa rin hanggang sa ngayon kung sino ang suspek na nasa likod ng pagbaril-patay sa isang mining financier na si Arnel Morada noong araw ng sabado habang ito'y nakaangkas sa isang motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Sta. Rosa Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Sa panayam ng Balitang Probinsya ngayong hapon kay PCI Victor Abarca, Chief of Police ng Jose Panganiban PNP, sinabi nito blangko pa sila kung sino ang salarin sa pagpatay.
Bagamat may hawak na umano silang dalawang testigo sa pangyayari subalit hindi parin umano ito makapagbigay ng eksaktong detalye sa pangyayari maging sa pagkakakilanlan ng suspek.
Hindi raw kasi masyadong maisalawaran ng mga tumatayong testigo ang hitsura ng suspek pero ayon sa mga ito kapag daw nakita nila ito ay positibo nila itong maituturo.
Sinasabing may nakaalitan umano ang biktima bago ang pangyayari subalit rin pa rin ito malinaw kung totoo nga ito.
Sinasabing may nakaalitan umano ang biktima bago ang pangyayari subalit rin pa rin ito malinaw kung totoo nga ito.
Sumailalim pa sa operasyon sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay sanhi ng tatlong tama ng bala sa likod ng hinihinalang bala ng calibre .45.
Si Morada ay may asawa at residente ng Brgy. P-7 Brgy. Batobalani, Paracale, Camarines Norte na may negosyo rin umano sa nasabing lugar na binaril ng riding in tandem bandang alas 8:00 ng umaga.
Nakipag-ugnayan narin ang pulisya sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Jose Panganiban para tingnan kung nahagip ng CCTV na naka install malapit sa pinangyarihan na makakatulong sa kanilang isinasagawan imbistigasyon.
No comments:
Post a Comment