Wednesday 12 August 2015

LALAKI KULONG MATAPOS ANG BOLUNTARYONG PAGSUKO SA MGA AWTORIDAD SA CAMARINES NORTE

Kusang nagpakulong ang isang 55 anyos na padre de pamilya sa detention facility ng  Basud PNP  na kinilalang si Alfredo Efa y Cabalquinto, magsasaka, residente ng Purok Yakal, Barangay Poblacion 2, Basud, Camarines Norte.

Bandang alas 9:00 ng umaga kahapon ng kusang magpasakamay sa mga awtoridad ang suspek matapos ang boluntaryong pagtungo sa nasabing himpilan upang harapin ang kasong paglabag sa sec. 77, PD No. 705 as amended by EO 277-87 and renumbered by RA 7161 (Forestry Reform Code of the Philippines).

Ayon kay Police Chief Inspector Rogelyn Calandria, Acting Chief of Police ng nasabing istasyon, ang suspek ay may warrant of arrest kaugnay sa nasabing kaso  na may 24,000 pesos na inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang suspek ay patuloy na humihimas ng bakal na rehas sa detention facility ng nasabing istasyon.

No comments:

Post a Comment