Isang lalaki na tinatayang may edad 30-35 anyos, 5'5 ang taas na naka suot ng black jersey short pants at brown t-shirt na may tatak na Beach Bash ang natagpuang nakahandusay at wala ng buhay sa gilid ng National Highway sakop ng P-5 Brgy. Bulala, Sta. Elena, Camarines Norte bandang alas 10:00 ng umaga kahapon.
Sa inisyal na imbistigasyon ng Sta Elena MPS, may tama umano ng bala sa ulo, leeg at kamay habang nakatali ang mga paa nito ng nylon at may busal ng damit ang bibig nito na hinihinalang sinalvage ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Base umano sa mga residente, hindi umano nila kilala ang biktima at hindi rin ito doon nakatira.
Sa ngayon, nakahimlay na ang labi ng biktima sa isang punerarya sa nasabing bayan habang hinihintay pa ng mga awtoridad kung sino ang pamilya nito.
Una rito, isang tawag ang natanggap ng Sta Elena MPS mula kay Brgy. Kdg. Rufo ng Brgy. Bulala, Sta. Elena upang ipabatid sa mga ito ang nakahandusay na biktima sa nasabing lugar na una ng natagpuan ng isang nagngangalang Crisanto Rayos habang papauwi na umano ito ng kanyang bahay kahapon.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ng mga awtordad kung sino ang pamilya ng biktima maging ang motibo ng pagpaslang ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin.
No comments:
Post a Comment