Tuesday 18 August 2015

LABO DISTIRCT JAIL, NAGDIRIWANG NG KANILANG IKA 2 TAONG ANEBERSARYO NGAYONG ARAW SIMULA NG LUMIPAT SA BARANGAY MASALONG, LABO, CAMARINES NORTE

Nagdiriwang araw ang Labo Distirct Jail ng ika 2 taong anibersaryo simula ng lumipat ito sa barangay ng Masalong, Labo, Camarines Norte noong Agosto 18, 2013.

Kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makapiling ng nasa 120 mga inmates o residente ang kanilang mga kaanak sa buong maghapon ngayon.

Nagkaroon din ng kunting salo-salo ang mga residente kasama ang kanilang mga kaanak sa loob ng compound ng nasabing piitan na ang iba dito ay may dalang pagkain.


Kung maalala, tinanghal bilang Regional Best District Jail of the Year ang Labo District Jail nitong nakalipas na biyernes dahil sa maayos na sistema at programa nito para sa mga inmate sa pamumuno ni SJO4 Arnel Lagatuz, Officer in Charge ng LDJ.

Tumanggap din ito ng Certificate of Commendation mula sa LGU Labo dahil sa husay at maayos na pamamahala sa loob at labas ng nasabing piitan.


No comments:

Post a Comment