Dumipensa si General Manager Lot Villanueva ng Paracale Water District kaugnay sa mga reklamo ng mga taga barangay Batobalani, Paracale, Camarines Norte dahil sa kawalan di umano ng aksyon nito sa maduming tubig na nagmumula sa Batobalani Watershed na kanilang pinagkukunan ng tubig inumin.
Sa panayam ng Balitang Probinsya kay Villanueva, sinabi nito na ginagawan naman nila umano ng paraan kung papaano matutuldukan ang nasabing problema sa patubig sa nasabing lugar.
Bukas nga umano Agosto 26, 2015 ay nakatakdang magsagawa ng Board Meeting ang kanilang tanggapan para pag-usapan ang nasabing suliranin.
Sinabi rin nito na hindi agad nila maayos dahil sa kakulangan narin di umano ng pondo para sa pagsasaayos ng nasabing water facility.
Inirereklamo kasi ng miyembro konsumedores ang maduming tubig na kanilang binabayaraan sa PWD na nagmumula sa nasabing facility dahil sa maliban sa lumalabo ito tuwing maulan wala rin harang o takip ang dam kung saan prone ito sa mga laglag ng mga dahon ng kahoy at dumi mula sa kabundukan.
Ayon sa mga konsumedores, nito nga lamang umanong nakaraang buwan ay kulay itim ang lumabas sa kanilang mga gripo kung saan pinangangambahan ang mapanganib na dulot nito sa mga mamamayan.
Kinumperma rin mismo ni Kapitan Nelson Dasco na may nakasakit na sa kanilang barangay dahil sa maduming tubig na matagal na nilang inirereklamo sa nasabing tanggapan pero hanggang ngayon ay wala parin aksyon umano ang tanggapan ni Villanueva.
Sa ngayon, patuloy na umaani ng batikos ang tanggapan ni Villanueva mula sa mga residente sa lugar na ayon sa mga ito wala umanong ibang inaatupag kundi ang pagpapaayos ng kanyang tanggapan.
No comments:
Post a Comment